magf-feeling surfer na naman ako sa sabado. dahil oktubre, bumalik na ang mga alon. at dahil lubos kaming nasiyahan sa la union, duon uli ang punta namin.
love ko talaga ang surfing at pinagpipilitan kong matuto kahit mahirap at kahit di pa rin ako marunong lumangoy. mababaw lang naman ang tubig at laging may nagbabantay sa yo. eto lang ang sport ko, kaya medyo kinakareer ko na rin kahit paano, kahit sa panaginip lang.
kanina, naramdaman ko na talagang kailangan may gawin ako na related sa surfing: eto ang kinalabasan. gumawa ako ng postcard. hehe. bukod duon, tinawagan ko na rin ang bus na sasakyan at tinext ang lugar na aming tutuluyan. aalis kami ng sabado ng madaling araw para makarating sa la union ng umaga. kakain ng agahan sa daan. matutulog at magpapahinga. sa hapon na ako mags-surf para di na ganon kainit at di na rin inaantok.
sa sabado, wish ko lang makarami ako ng tayo sa board. kahit 20% tayo at 80% semplang. pwede na siguro yan. sige, it-track ko ang aking stats. parang pro. parang totoo. o di ba? feeling talaga :)