"Aksidente sa Novaliches"

Isang katangahan ang nangyari kagabi sa tahanan ng mga Rivera. Isang babae na nagngangalang Gezelle ang aksidenteng napaupo at natusok ng karayom sa kanang pwet. Ayon sa mga nakasaksi, walang kamalay-malay na naupuan ng biktima ang karayom na umanoy gamit ng inang si Ella sa pananahi ng punda. Walang nasabi ang biktima nung una kundi, "Ooow, fff**ck!". Mahina lang naman ang kanyang pagkasabi at hindi naman narinig ng kanyang ina na pigil na pigil sa kanyang pagtawa nang matuklasan ang nangyari (Grrrr!)...

Mababaw lamang naman ang pagkatusok at hindi naman daw gaanong masakit ayon sa biktima. "Parang kagat lang ng langgam.... Pero sa totoo lang, nabigla ako. Hindi ko natantya ang tamang circumference ng pwet ko. Tsk, tsk," paliwanag pa nito.

3 comments:

Almin Manalo said...

Para kang tinusok ng isang bubuyog. Ung kasing laki ni Jollibee... hehehehe...

Anonymous said...

gi, nais ko lang malaman, nagkaroon po ba ng peklat ang munting tusok ng karayom? maari ko bang makita... hehehehe.. :D

gezelle said...

hehe, hindi naman ako pineklat...maliit lang kasi yung tusok at hindi mo ito makikita (unless gagamit ka ng microscope).