estudyante slash opismeyt


tatlo sa mga naging estudyante ko nung isang taon ang nandito na rin sa avanade ngayon. yung dalawa sa kanila ay kasama sa larawan sa itaas -- eto yung dalawang lalaki mula sa kanan. kahit alam ko na natanggap sila sa kompanya, nagulat pa rin ako nang husto nang makita ko sila dito sa opisina kaninang umaga. akalain mo... parang kailan lang ng kinuha ang litratong ito. parang kailan lang ng naging titser ako. parang kailan lang nang turuan nila akong mag-billiard. ngayon, gradweyt na sila at may trabaho na! sana naman mailibre nila ako sa unang sweldo nila :)

nasaan na kaya yung iba... halos 20 kasi ang mga estudyante ko dati. naka-gradweyt na kaya lahat? yung isa raw nasa HP... e yung iba kaya?

No comments: