ang pamamaalam

a colleague and friend sent this as a reply to my standard "thank you and see you around" message on my last day of employment in accenture. salamat ng marami, ginoong "edgar allan anton" for this!

Nalungkot kami ng ika’y tuluyang nang lilisan
Dito sa kumpanyang higit limang taon ka ring nanuluyan
Ngunit batid mo rin naman ang aming kagalakan
Pagkat alam naming magiging masaya ka sa bago mong tirahan.

Nauna ng nag paalam si Mark Hipolito
Sinundan ni Alfon Chito Salano
Ngayon ikaw naman ang nagpaalam sa grupo
Ang tanong ng marami kelan kaya naman si Marvin ang gagawa ng ganito? :)

Hahanap hanapin pa rin ang iyong mga ngiti
Ang maamo mong mukha, ang mapupula mong pisngi
Ang iyong mga kuhang larawan sa mga pagtitipon lagi
At mga pagtutuksuan natin pagkat sa iyo’y maraming tumatangi.

Hindi rin malilimutan ang ating mga pinagdaanan
Ang Cagbalete experience natin na nagbuklod sa ating pagkakaibigan
Ang pagiging Avanade model namin noon sa mga larawang kinunan
At ang mga lalaki sa buhay mong nalulungkot sa iyong paglisan.

Salamat G, sa konting panahong pinagsamahan
Panahon lang at ang Diyos ang may alam ng ating kapalaran
At sa ganang amin di ka maiwawaksi ng aming puso’t isipan
Sa Clark, sa SG at kung saan pa man, di ka malilimutan magpakailan pa man.

-TAM-

No comments: