"Sa FX at Tryke"

Sa FX at Tryke
Kuha ang mga ito kagabi habang sakay ako ng FX at tricycle pauwi sa amin. Mga alas-diyes na ng gabi. Karamihan sa mga kuha, madilim, kaya kelangan pang i-adjust sa MS Office Picture Manager (walang Adobe Photoshop dito sa amin). Malikot rin ang mga kuha, dahil baku-baku ang daan at nung minsan, nataon pa sa humps. Hehe. Masayang kumuha habang nagbibiyahe at gabi, dahil hindi mo masasabi kung anong kalalabasan. Minsan ayos, kadalasan hindi...pero ganun pa man, enjoy ka :) Ingat lang, dahil baka mahulog ang kamera.

No comments: