My Nanay


birthday ng nanay ko nuong May 26 at pinicture-an ko sya nuong umaga. dahil hindi pa sya nakapagbihis at nakapag-pulbos man lang ng mukha, ilang sya na ngumiti at magpakuha. hindi raw sya maganda. eh hindi naman ako nakikinig sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagkuha ng litrato nya. maganda naman kasi sya para sa akin. kung pangit sya eh di panget din ako di ba? hindi naman ata ako papayag ng ganyan :)

sya nga pala, kabilin-bilinan nya na wag ko ilagay sa internet ang litrato nya... pasaway ko talaga :) maligayang bati sa iyong kaarawan, Ma!

No comments: