- 5. Maputik. Hassle lalo na kapag naka-sandals ka. Di ka mapapakali hanggat di mo napupunasan ang talampakan mo. Sayang din ang pedicure mo dahil sisiksik ang mga lupa sa kuko ng paa mo. Na-imagine nyo?
- 4. Baha. Bad trip 'to dahil siguradong ma-trapik. Wala akong masakyan. Hirap. Lalo na pauwi at nag-iinarte ang mga tricycle driver sa amin. Kung nakasakay ka naman sa tricycle na walang tapalogo (?) (basta, eto 'yung plastic na nagsisilbing 'raincoat' ng tricycle), bad trip din dahil pwede kang matalsikan ng putik kapag may nag-overtake sa sinasakyan mo. Na-sprinkle-an ka pa ngayon ng tubig galing sa kalye. Kung may kotse na sana ako...
- 3. Kung may pasok, malas, dahil masarap magbabad sa kama kapag umuulan :) Nakakainggit lalo kung ang mga kasama mo sa bahay ay walang pasok dahil suspended ang klase sa mga eskuwela at ang trabaho sa mga government offices. Oh well. Bad trip naman talaga tuwing may pasok. Ewan ko lang senyo.
- 2. Eto. Mga pusang nagre-reunite sa bubong ninyo o bakuran ng kapitbahay nyo kapag tumila na ang ulan sa gabi at nag-iingay nang walang pakundangan. Ang sarap katayin, mga pasaway!
- 1. At ang pinaka-ayaw ko kapag umuulan -- mga patak ng ulan galing sa mga bubungan ng kung ano-ano na tatama sa bumbunan mo kapag saglit mong naibaba ang payong mo! Malay mo ba kung anong pinagdaanan ng patak na 'yun -- bakit kinakailangan sakto ang pagtama nito malapit sa puyo mo?!
Wala namang layuning makabuluhan ang listahang ito. Gusto ko lang ibahagi sa inyo :) Para sa akin kasi, malaking pagsubok talaga sa pasensya ko ang pag-biyahe papasok sa trabaho at pag-uwi sa Novaliches kapag tag-ulan. Tulad kanina, hassle talaga.
3 comments:
Mas bad trip kaya kapag biglang buhos... Sobrang traffic sa edsa.. Ilang beses na akong naeestranded dahil biglang bumubuhos ang ulan..
Mas badtrip din kung sa init ng araw, iiwan mo ang payong mo dahil akala mo, hindi uulan. Un pala, bigla na lang uulan ng malakas...
Hi, just browsing the net and saw PCF and eventually this blog of yours.
Bad trip nga mag commute pag umuulan...
1.) Una mahirap mag tricycle, dahil sa lalaki ako, natural na sa likod ako ng driver uupo.. basa ang sapatos at pantalon... Eh tricycle pa naman ang unang mode of transpo palabas sa Quirino high-way kung saan may terminal ng mga Fx, (colorum man o yellow plate).
2.) Pag mahaba ang pila ng tao sa terminal, walang bubong ang terminal... dagdag basa na naman sa sapatos at pantalon.
3.) Pag sakay sa FX, malamig ang paa at hita, dahil nga sa basa.
Kaya ayun umuwi na lang ako at natulog... Ubos ang sick leave....
Ang gusto ko lang pag umuulan, malamig ang panahon... at hindi ka papawisan mag commute...
Option number2
Magdala ng sasakyan para pagdating sa office, hindi lukot ang long sleeves at tuyo ang medyas at pantalon...
Ang ayaw ko lang pag may sasakyan.
Traffic sa EDSA, mga dapat iwasan na traffic... 1.) Stop light sa tapat ng Trinoma, 2.)tapat ng MRT North station, (awas ang tao hanggang bangketa), 3.)Kamuning fly-over up to Crossing EDSA ay traffic na.... san ka pa dadaan?
Gapangin na lang ang EDSA hanggang makarating sa opisina... tuyo naman ang sapatos ko...
p.s.
Tapalodo - gomang sumasangga sa putik at tubig na tumatalsik atumaalsa mula sa gulong ng sasakyan.
Trapal - plastik na takip ng tri-cycle para protektahan ang pasahero sa tubig ulan.
Post a Comment