misterclay

this post is dedicated to almin or misterclay. friend ko from accenture and avid reader of this blog. hehe. yes.

hi almin, salamat sa palaging pagbisita dito :) i always find myself smiling after hearing from you thru the comments you post here. kulit-kulit ka talaga. minsan ba naman, mag-text ng walang masyadong kwentang joke from manila to chicago. naka-roaming ako, e...napagastos pa ako ng malaki-laki. hindi naman nakakatawa. thanks sa effort and thoughtfulness. haha! yun ang nakakatawa dun e, yung effort and thoughtfulness! pero salamat talaga, its always nice to be remembered by a friend :) imbento ka pa ng jokes, sige lang. i-master mo pa 'yang skill na 'yan. tournament kayo ni marlin 'pag nag-reunion ang rts -- sa singapore! yes! daming baon yan si marlin. yari ka 'pag pa-petiks-petiks ka. hehe.

so ngayon pala nasa singapore ka na, with all the other former rts members! hehe, si nino na lang kulang. i spoke to nino kanina at mukhang susunod sya :) i told him to contact dino and 'yung dati niyang TL sa national grid. abangan mo, ha. hehe.

kamusta naman ang singapore at ang buhay-buhay dyan? san ka work? inaalagaan ka ba ni anson? e si dino, kamusta? grabe, miss na ni shawee si dino! hahaha! ikumusta mo ako sa kanila. tell anson, salamat sa testimonial sa friendster :) alagaan mo sarili mo dyan, kumain ka ng marami. uminom ka ng vitamins! hahaha! mahirap magkasakit 'pag malayo sa bahay. walang magbibigay ng tlc -- unless, meron nang *special someone* dyan :) yihee! kwento ka if ever ha.

nabigla ako nung nalaman ko ke joy na andyan ka na. akala ko mga april ka pa punta e. ang bilis ano. ganon ata talaga when something is meant to happen, mangyayari at mangyayari -- minsan, kahit hindi pa tayo handa, the world will conspire for things to happen, as long as God wills it so. and when that happens, all we can do is to trust in His infinite wisdom and unfailing love :) im sure this is an answered prayer for you. you might not agree with timing pero trust that you are where you're supposed to be. we all are, but we oftentimes don't realize that.

anyway, ipapa-rebook ko 'yung ticket ko with tiger airways for september or october. nandyan ka pa siguro nun. ipasyal nyo ako ha, reunion tayo. one week siguro yun depende sa schedule ng VL na makuha ko at budget. punta tayo sa midnight safari and sa beach sa sentosa. if may time ka this summer pasyal kayo dun. padalhan mo ako ng pics nyo. kamusta na rin pala kay joy and mau. tell them i miss them :)

yun lang. ingat, almin, ha. im really happy for you! God bless!

2 comments:

Anonymous said...

Ge, and2 ako ngayon kina anson at dino. Hahaha. Nasa singapore na nga ako pro mukhang ayaw ni Lord na pakunin ako ng work d2. Tapos na ang 1 week ko for job hunting, and the remaining week is for my week-long vacation.

Anonymous said...

Langhiya! na-tsismis mo pa ako sa last na entry ng blog mo... Tama ba naman yan! mamya, mabasa pa yan ni Dino, akalain totoo... hehehehe... miss ko na lahat ng former RTS people. Almin, kung binabasa mo ito, pag-pray ko na makahanap ka agad ng work. Good Luck syo! ingat ka parati dyan... hahaha.... tama bang dito ako magbigay ng message kay almin...

Message ko kay Gezelle, ikaw kaya ang i-tsismis ko dito ;) hahahaha... miss you girl! mag-online ka sa weekend... Release na ulit! Good Luck na lang sa amin...